๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐
- Author: Ms. Cabaรฑero
- Published On: May. 29, 2024
- Category: Events,
Matagumpay na ipinagdiwang ng Tagoloan Community College ang paggunita sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika, na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya", na ginanap kahapon, ika-30 ng Agosto,2024.
Sinimulan ang programa ng isang panalangin na sinundan ng pambansang awit at TCC Hym. Binuksan ang programa ng isang pambungad na mensahe ng pinuno sa hukbo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil), na si Bb. Laugene Faith C. Amora.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Bb. Amora,
ang kahalagahan ng wika na simbolo sa kalayaan at pagkakaisa. "Kaya ngayon, ating matutunghayan ang iba't ibang patimpalak na nagpapakita na kahit tayo ay may iba't ibang paniniwala at may iba't ibang wika tayo ay namumuhay ng may pagkakaunawaan, pagkakaisa at malaya sapagkat tayo ay Pilipino."
Pinaabot din ng OIC President na si Mayor Atty. Nadya Emano- Elipe ang kanyang inspirasyonal na mensahe sa kanyang kinatawan na si Hon. Armando Pomar. Sa kalagitnaan ng programa ay nagtanghal naman ang TCC Dance Troupe bilang pampasiglang bilang, na siyang naging dahilan ng hiyawan at tuwa sa mga manonood sabay sa indak ng musika hudyat ng pagsisimula ng mga patimpalak sa araw na iyon.
Pinangunahan ang nasabing mga aktibidad ng mga kasapi ng Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil). Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang ibaโt ibang patimpalak upang bigyang halaga ang ating wikang pambansa at ipamalas ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa iba't ibang departmento. Kabilang dito ang patimpalak sa Tanghal Tula, Pista sa Nayon, Wika Likha, Larong Pinoy, Monobida at Talentadong Pinoy na siyang isinagawa sa huling parte ng programa.
Bago matapos ang pagdiriwang ay isinagawa ang paggawad ng parangal sa mga nagkamit ng kampeonato sa mga nasabing patimpalak sa bulwagan ng TCC. Nagwakas ang programa sa isang panapos na mensahe ni Bb. Myra C. Cagmat, Tagapayo ng SaMaFil.
Litrato kuha ni Joshua D. Catequesta | Quill Photojournalist
Tagasulat: Hanna Lee Baylin
https://www.facebook.com/TCCQuill/posts/pfbid0219wb1GkGHP6E33NTQbb6abQepSuoVzduF7GQEmNuiwfGkThZiqmCmo54BXuxMUdzl
ย